VLOG WATCH: Arci Munoz’ BTS-inspired Car and Van Tour (BT21 Overload!)

Vlog Watch

HABANG tumatagal ay lalong dumadami ang artista sa Pilipinas na certified BTS ARMY. Kasama na d’yan sina Lea Salonga, Jed Madela, Winwyn Marquez, Vice Ganda at s’yempre, ang ultimate merch hoarder among them all na si Arci Munoz!

Talagang ‘BTS is Life’ para kay Arci Munoz. Bago magpandemya ay lumipad pa ito sa Amerika at sa South Korea para lang manood ng kanilang concert. Lagi rin itong bumibili ng BTS merch at kahit ang BT21 at TinyTAN ay sinusuportahan din niya. Kahit nga ang kanyang momshie ay nahawa na rin sa pagiging ARMY ng kanyang beloved daughter!

Sa dami ng mga car and van tour na napanood namin ay masasabi na ang kay Arci ang pinakapaborito namin. Nakakaaliw tingnan ang kanyang BT21 and TinyTAN collection na karamihan ay essential items. Need handy fan pangtanggal ng baskil? Check! Kailangan mo ng Bluetooth speaker/microphone? Meron siya nito! Unan? Check! Kumot? Check! Drinks and vitamins na may mukha ng BTS? Check na check!

Sabi nila, surround yourself with things that make you happy. In Arci’s case, hindi lang ang kanyang kuwarto ang ginawa niyang happy place – pati na rin ang kanyang second home na van na ginagamit for tapings at personal car para sa kanyang mga solo trips! Reyna ka talaga ng mga budol, Ramona! We love it! Borahae!

Previous article‘Bawal Lumabas: The Series’ nina Kim Chiu at Francine Diaz, mapapanood na rin!
Next articleAlden Richards at Jasmine Curtis Smith, magpapakilig na sa ‘The World Between Us’