VLOG WATCH: Ano nga ba ang nangyari sa ‘Love. Die. Repeat’? Xian Lim answers!

Vlog Watch

INAABANGAN ng mga viewers ang ‘Love. Die. Repeat’, ang romance-action series na pinagbibidahan ng Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at ang bagong Kapuso na si Xian Lim. Ito ang first team-up ng fresh tandem na ito, na sa unang paglabas pa lang ng mga larawan nila bilang magka-eksena ay nakitaan na ng ‘sparks’ ng manonood.

Ang kaso, mukhang magkakaroon ng delay ang pagpapalabas nito dahil sa hindi inaasahang kaganapan sa personal na buhay ni Jennylyn. Nagdesisyon din ang Kapuso Network na ihinto na lang muna ang taping dahil si Jennylyn lang ang gusto nilang maging bida sa proyekto. It might take a year or more bago pa mag-resume ang taping nito.

HUWAT?! Ano ang mangyayari kay Xian Lim at ang mga cast and crew na nakapag-lock-in na? Nangako naman daw ang Kapuso network na bibigyan na lamang sila ng mga bagong proyekto for the time being.

Habang hinihintay natin kung ano ang next step ng GMA-7 dito, silipin muna natin ang experience ni Xian Lim habang naka-quaratine bago sumabak sa Love. Die. Repeat taping.