VLOG WATCH: Ano nga ba ang nangyari kina Ryan Bang at Yeng Constantino noong 2010? (nakabantay si hubby!)

Vlog Watch

MARAMI ang naka-relate sa nangyari kina Ryan Bang at Yeng Constantino noong 2010, na muling naungkat more than a month ago sa isang episode ng ‘It’s Showtime. Dahil sa isang contestant ay hindi naiwasan ni Yeng na mabanggit ang nangyaring panggo-ghost ni Ryan sa kanya more than a decade ago.

Alam niyo ba na muntikan pala naging magsyota sina Ryan at Yeng? Nanligaw noon ang Korean comedian sa Pop Rock Princess, pero isang araw ay bigla na lang tinigil ni Ryan ang kanyang panunuyo na wala man lang goodbye. Ayon nga sa kanta ni Yeng, ‘Parang bula, wala na lang bigla’.

Kahit na umabot ng isang dekada ay nagkaroon na rin ng closure sina Ryan at Yeng. Alam naman ng madlang pipol na happily married na si Yeng kay Yan. Sa video na ito ay nag-reunite ang mag-TOTGA para sa isang special kamustahan habang nagmu-mukbang ng mga Korean food na mabibili sa restaurant ni Ryan na Ducup. Don’t worry dahil meron naman basbas ni Yan ang collab vlog na ito dahil siya mismo ay sumama at pinanood ang asawa!

Sa mga bitin sa Ryan-Yeng story, nood na kayo! Bang Bang Bang!

 

Previous articleAllen Ansay bibida bilang viral kesong puti vendor sa ‘Regal Studio Presents: My Cheesy Cutie Guy’
Next articleJelai Andres kinasuhan ang ex-husband na si King Badger ng RA 9262