VLOG WATCH: Angeline Quinto’s Covid-19 Triumph (last 7 days of quarantine)

Vlog Watch

MARAMI ang nagworry para sa Kapamilya Diva and Huwag Kang Mangamba star na si Angeline Quinto nang aminin nito sa publiko na siya ay positibo sa Covid-19 earlier this month. Sa kanyang naunang quarantine vlog ay ikwinento niya kung kanino at saan siya nahawa.

Knowing how maligalig Angeline is, naging challenge para sa kanya ang pagpipirmi sa kanyang kuwarto. Buti na lang at walang nahawa sa kanilang household kaya nag-decide ito na i-isolate na lamang ang sarili sa loob ng 14 days.

Kahit pa siya ay nasa loob lang ng kuwarto ay ramdam ng talented diva ang pagmamahal sa kanya ng mga friends, fans and supporters niya. Ang ilang artista tulad nina Kim Chiu at Erik Santos ay naka-video call pa niya at halos every meal time ay may nagpapadala sa kanya ng pa-ayuda. Ang ending nga ay nakolekta lahat ng pagkain at nagkaroon ito ng ‘freedom buffet party’ nang matapos ang kanyang isolation period. Sana ol may pa-ayudang fudang!

Kung ikaw ay naka-isolate din ngayon dahil sa Covid-19 o di kaya’y curious sa pinagdaraanan ng mga taong nadapuan nito, panoorin na ang vlog ni Angeline!