VLOG WATCH: Angel Locsin and Neil Arce’s House Tour!

Vlog Watch

MABUHAY ang bagong kasal!

Happily married na sa wakas ang Kapamilya superstar na si Angel Locsin sa kanyang bestfriend turned husband na si Neil Arce.

Marami ang natutuwa dahil sa wakas ay naging open na rin si Angel sa pagshare ng kanyang personal life sa pamamagitan ng joint YouTube channel nila ni Neil. Kinilig kami dahil kahapon ay nag-upload na sila ng kanilang house tour, na kanilang inacquire mula sa kamag-anak ni Neil.

 

Noon ay nakatira sila sa condo ni Angel. Dahil anticipated na ang paglaki ng kanilang pamilya ay minabuti na rin nila na lumipat sa totoong bahay. Nagustuhan namin na maraming bintana and very relaxing ang vibe ng kanilang tahanan. Kitang-kita mo rin ang personality nila with the design and components of their home.

Curious ka na bang masilip ang bahay ng bagong kasal? Tara na’t makisugod na, mga Kapamilya! Ariba na sa Angel Locsin and Neil Arce House Tour!