VLOG WATCH: Ang Unkabogable Valurs (House) Tour ni Meme Vice Ganda!

ADVERTISING
Vlog Watch

SI VICE GANDA ang isa sa pinakasikat at pinakamayamang artista natin dito sa Pilipinas. With box-office hit films, regular TV show, a blooming cosmetics company and numerous endorsements, hindi talaga paawat sa pagpapayaman si Meme!

With that being said, hindi rin naman paawat sa lalong pag-upgrade ng bahay ang ating Unkabogable Superstar. Sa kanyang 2-part Valur House Tour vlog ay ipinasilip nito ang kanyang bagong mansyon na dapat sana’y earlier this year sila lilipat. Naantala lang ang kanilang paglilipat dahil sa strict implementations ng ECQ sa ating bansa.

ADVERTISING

Ngayon na medyo nakaluwag-luwag na, paunti-unti na rin nabubuo ni Meme Vice ang pinaghirapang bahay na naipundar. Maliban sa nakakaantig na kuwento sa likod ng nabiling lupa na pinagpatayuan ng bahay (para dapat ito sa Lolo niya na pumanaw two years ago), maiinspire din kayo sa industralized look ng kanyang bahay. Sa sobrang laki rin ng closet ni Meme ay puwede na kami mag-board at lodging doon! Charot!

ADVERTISING

 

Anyway, panoorin ang House Tour ni Meme Vice at hindi na kami makahintay na mapanood ang final look ng bagong mansyon! Malay niyo, baka sa pagnood ninyo nito ay mainspire kayo lalo na magpursige sa buhay at ma-achieve niyo rin ang bonggacious life goals na ito!

ADVERTISING