VLOG WATCH: Ang Riot na Lie Detector Challenge nina Kim Chiu at Angeline Quinto! (NKKLK!)

Vlog Watch

MARAMING Kapamilya fans ang nagwiwish na makita sa isang collaboration sina Kim Chiu at Angeline Quinto. Guess what? The wait is over!

Sa bagong video upload ni Kim Chiu ay special guest niya ang one and only Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto. Hindi sila magkakantahan dito, ha? Isang nakakalokang LIE DETECTOR CHALLENGE ang ginawa ng dalawa!

Bakit nakakaloka? Ang mga tanungan kasi nila has something to with body hygiene (Naliligo ka ba araw-araw? Mabango ka ba?), marriage (Handa ka na bang magpakasal? Magkasalungat ang sagot nila!), Mas matangkad ba o mas maliit na partner (obvious naman ang sagot ni Kimmy sa tanong na ito ha-ha-ha!), dyowang may putok o dyowang mabaho ang hininga (LERKS!) at kung anu-ano pa!

 

As expected, puno ng banat at bungisngis ang good vibes na video na ito! Kung gusto niyong matawa o simply love mo lang sina Kim at Angeline, nood na!