VLOG WATCH: Ang Relaxing Birthday Celeb sa Palaya Nature Farm Resort ni Enchong Dee!

Vlog Watch

NOVEMBER Baby ang Kapamilya actor na si Enchong Dee. Dahil na rin sa pandemya, hindi ito nakagala sa ibang malayong lugar para ipagdiwang ang kanyang birthday. Buti na lang at may malapit-lapit na lugar na puwedeng puntahan ang Alter Me lead star na makakarelax ito with nature kahit panandalian lang.

Isa sa mga negosyo ni Enchong Dee ay ang Palaya Natural Farm sa Tanay, Rizal. Dahil co-owner ito ng napakagandang lugar na ito na very accessible from Metro Manila, nakapag-celebrate ito ng kanyang birthday with his Kapamilya. Yes, halos kumpleto ang kanyang pamilya na masayang naki-celebrate sa importanteng araw ng binata.

Kahit na may pandemya, maraming dapa ipasalamat si Enchong. Isa na d’yan ang pag-usbong ng kanyang YouTube channel (with 374,000+ subscribers habang isinusulat namin ito), ang successful digital series nila ng onscreen partner/bestie na si Erich Gonzales entitled ‘You. Me. Maybe’ na ongoing pa rin at magkaka-season two pa ‘ata and of course, his much talked about daring film na ‘Alter Me’ na talagang tinodo niya ang pagiging hari ng ‘alter’ world. Watch niyo na sa Netflix!

Silipin ang birthday celeb ni Enchong Dee at baka ma-refresh din kayo sa ganda ng tanawin! Sana ay makapunta rin kami rito! Enchong, beke nemen!