VLOG WATCH: Ang ‘Pochero ‘to JED! POCHERO!’ Recipe ni Judy Ann Santos (pasado ba kay Ryan?!)

ADVERTISING
Vlog Watch

“POCHERO ‘to JED! POCHERO!”

Pamilyar ba ang linyahan na ‘yan para sa iyo? Ibig sabihin, napanood mo o nadaanan mo ang clips ng nakakaaliw na 2006 romantic-comedy film na ‘Kasal, Kasali, Kasalo‘ na pinagbibidahan ng ngayo’y married couple na with a happy family na sina Ryan Agoncillo at s’yempre, the finest Judy Ann Santos!

ADVERTISING

Kung sa pelikula ay kailangan pang mag-aral ni Angie (Judy Ann Santos) para gumaling sa pagluto, in real life ay isang dependable chef si Juday. Sa katunayan, hit na hit sa mga viewers ang kanyang YouTube Channel na ‘Judy Ann’s Kitchen’. Kung hindi mo nasubaybayan ang karera ni Juday, iisipin mo na mas kilala ito bilang young superstar noon sa kusina imbes na sa teleserye! Sa mga sobrang bagets pa, si Juday ang OG Teleserye Princess ng Pilipinas!

Dahil iconic line na ang ‘Pochero ‘to Jed! Pochero!’ ni Juday with tears overflowing her angelic face ay ito ang request na putahe ng kanyang followers na finally ay pinagbigyan na niya. May bonus pa na Crispy Bangus! Yumyumyum!

ADVERTISING

Towards the end of the video ay lalabas ang mga pinaka-masarap na sangkap sa buhay ni Juday – ang kanyang family!

Pasado kaya kay Ryan ‘Jed’ Agoncillo ang Pochero ng misis? Panoorin at baka pati kayo ay ma-inspire na lutuan ang inyong ‘Jed’ sa bahay! Lamon na!

ADVERTISING