VLOG WATCH: Ang Pasosyal na Pasyal ni Angeline Quinto sa Baguio City (with friends!!)

Vlog Watch

TRENDING ngayon sa social media ang BAGUIO CITY. Kung updated ka sa showbiz ganaps sa social media ay alam mo na siguro kung bakit. It is a favorite getaway place para makapag-isip at makapag-muni-muni – with your friends!

Bago pa man na-implement ang Enhanced Community Quarantine ay nakaakyat na si Angeline Quinto sa City of Pines to bond with her friends sa paboritong Summer Capital ng bansa. Ang twist? Sosyalin ang lugar! Sosyalin ang friend na nag-imbita. Ang kinakainggit namin ay napakaganda naman talaga ng view! Sana all pwede maka-akyat ng Baguio ngayon, ‘diba?

Habang hindi pa tayo puwedeng lumakwatsa at mag-commute dahil na rin sa pandemyang hanggang ngayon ay hindi pa rin natin mapuksa, maki-experience na lang tayo kay Angeline Quinto!