VLOG WATCH: Ang Palaban na ABG Makeup Transformation ni Maris Racal

Vlog Watch

NAUUSO ngayon sa internet ang ‘Asian Baby Girl’ look o ABG look. Ang lates Pinay celebrity na kumagat sa ganitong paandar ay ang Stay-In Love star na si Maris Racal.

Katatapos lang ng Stay-In Love series ni Maris sa TV5 kaya naman may panahon na ito ulit para magbigay ng saya sa kanyang followers sa YouTube.

Ano nga ba ang Asian Baby Girl? Ayon sa iba’t ibang urban dictionaries, “Asian Baby Girl” is an Asian female “gangster” who likes to wear thin clothing and heavy makeup, enjoy activities such as parties, raves, and clubs, and have a taste for expensive brand names.

Ganern? Well, ito mismo ang in-attempt na gawin ng dalaga using some of the cosmetics she’s endorsing. O ha, madiskarte!

 

And in fairness, ang hot ni Maris sa kanyang ABG look ha! Mahinhin na Dalagang Pilipina No More! She’s a Bhad Babbie now!