VLOG WATCH: Ang Pa-Surprise Palawan Birthday Trip ni Rayver Cruz para kay Janine Gutierrez!

ADVERTISING
Vlog Watch

BONGGA ang magdyowang sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez! Maliban sa going strong at mukhang napaka-healthy na relasyon nila, punong-puno rin ito ng nakakakilig sa sorpresa.

Katulad ng karamihan sa atin, wish natin na sana’y makapagtravel na muli. Alam naman natin na hindi na madali ang paglalamyerda ngayon dahil na rin sa talamak pa rin na pagkalat ng Covid-19. Dahil alam ni Rayver na ito ang inaasam-asam ng girlfriend, ito ang kanyang palihim na plinano kasabwat ang mga kapatid ni Janine and before you know it, nasa eroplano na sila papunta ng Miniloc Island sa napakagandang Palawan!

ADVERTISING

Para sa mga curious kung ano ang ‘new normal’ sa travel ngayon, magandang guide ang panibagong travel vlog ni Janine, kung saan in-explain din nito ang mga proseso na kanilang dinaanan bago nakapag-relax sa napakagandang isla sa Palawan.

Sa mundo ng celebrity vlogs na sandamakmak ang mga pranks at kung anu-anong challenge, refreshing ang makita ang dalawang lovebirds making the most out of their time in paradise. Ayiiii nood na para kiligin naman kayo kahit wala kayong lablayp! Chos!

ADVERTISING
ADVERTISING