VLOG WATCH: Ang Matamis na Tibok-Tibok nina KC Concepcion at Apl.de.Ap (patikim kami n’yan!)

ADVERTISING
Vlog Watch

ANO NGA BA ang real score sa pagitan ng Black Eyed Peas member na si Apl.de.Ap at Mega daughter na si KC Concepcion?

Mahigit isang buwan na rin ‘yan paisipan sa mga fans and followers ng dalawa, pero hanggang ngayon ay ‘just friends’ lang ang naririnig natin sa mga taong close sa kanila. Si KC na ba ang ‘Bebot’ na inaasam-asam na makasama ni Apl. de Ap?

ADVERTISING

Hindi natin alam ang kasagutan d’yan, pero ang sure tayo ay solid ang pagkakaibigan na nabuo sa pagitan nilang dalawa to the extent na kahit na nasa United Kingdom si Apl de Ap at nasa Pilipinas si KC ay nagawa nilang gumawa ng sikat na Pinoy dessert na ‘Tibok Tibok‘, na siguradong mauuso ulit ngayong pasko.

Ang ‘KC Learns to Bake’ ang bagong paandar ni KC sa kanyang vlog channel. Previously ay nakipag-collaborate na ito sa ibang kaibigang artista tulad nina Richard Gomez, Marvin Agustin, Pokwang, Karla Estrada at Judy Ann Santos.

Ang maganda sa episode na ito ay pinag-usapan din nila ang humble beginnings ni Apl.de.Ap na lumaki sa Pampanga. Nakakaaliw dahil napaka-grounded pa rin nito hanggang ngayon. No wonder he is blessed!

ADVERTISING

Ang Philippine Milk Pudding ay sabay na ginawa nina Apl.de.Ap at KC. Kasing sweet kaya ng tibok-tibok ang friendship nila? Labor of Love, indeed! Kung bet ninyong matuto kung paano ito gawin, watch na!

ADVERTISING