VLOG WATCH: Ang Maitim na VALAK ni Kim Chiu! Prank Pa More!

ADVERTISING
Vlog Watch

KINAKARIR ni Kim Chiu ang pagiging ‘Millennial Horror Queen‘! Maliban sa pagiging bida ng ilan sa best horror flicks in the recent years tulad ng The Healing, The Ghost Bride at ang bagong digital movie na ‘U-Turn‘, kahit in real life ay talagang may panakot prank ang Kapamilya actress!

Dahil ‘bawal lumabas’, sa loob ng bahay na lang mismo nanakot si Kim wearing her spooky Valak costume! Sa mga hindi nakakaalam, si Valak ang nakakalukaret na madre sa pelikulang ‘The Nun’. Iskurrrieee!

ADVERTISING

Mula sa bahay hanggang sa kanyang isa pang bahay na ‘It’s Showtime’ (fyi, regular host na po si Kimmy sa show!), talagang nagpaandar na ng kanyang valak na pagshoshokot si madam! Sa 20 na kanyang nabiktima, sino ang mga natakot at sino ang mga kebs lang?!

Nakakatawa ang ilan sa mga reaksyon ng mga nabiktima ni Valak. Da who ang nanermon sa kanya dahil nasa kalagitnaan ng isang interbyu ang biktima nang sugurin siya ng suspek? Eh da who naman ang sa sobrang shokot ay lalo itong nashokot dahil may dibdibang tulakan na naganap?! KALOKA WATCH NA U!!!

ADVERTISING

Swak na swak ang pananakot ni Kim sa kanyang mga Kapamilya dahil nakakashokot din naman ang kanyang pelikulang ‘U-Turn‘ with JM de Guzman and Tony Labrusca sa KTX.PH at IWantTFC. Anuna?! Bawal lumabas, pero puwedeng maki-Valak Prank!

ADVERTISING