VLOG WATCH: Ang Katakam-Takam na Beef Short Ribs Kaldereta ni Katya Santos (sarap!)

Vlog Watch

HANGGANG ngayon ay katakam-takam pa rin si Katya Santos. Kung noong kasagsagan ng kasikatan niya bilang teen actress to sexy actress ay nasabik ang mga barako sa kanyang katawan, ngayon ay masasabik naman tayo sa mga putaheng ihahain nito sa kanyang vlog channel na ‘Simply Katya’s Kitchen‘.

Siguro ay na-influence ito ng fellow Viva Hot Babe na si Maui Taylor, mukhang magtutuloy-tuloy na rin ang vlogging journal ng ating charming kusinera, huh!

Ang Kaldereta ang isa sa mga masarap na pagkain na hinahanda ng mga Pinoy. In fairness, natakam kami at biglang gusto na rin namin magluto’t gayahin ang istilo ni Katya. Kung madalas na ‘masabaw’ ang natitikman natin na kaldereta, this time ay mas nasa ‘oily’ side tayo. Tantsa-tantsa lang mga beh!

 

Nasarapan ka ba sa panonood kay Katya Santos? We’re looking forward to more cooking videos from you, hot momma! Busugin mo kami sa iyong pretty face, chill personality at s’yempre, masarap na pagkain! Yummeh!