VLOG WATCH: Ang Chocolate Chip Cookies ni Ysabel Ortega

Vlog Watch

SA TOTOO LANG, we’re getting impatient na kung kailan ba talaga ipapalabas ang Voltes V Legacy sa GMA. Naiintindihan naman natin kung bakit napakatagal bago ipalabas ang highly anticipated live action remake ng isa sa kinagiliwang anime noong 70’s. Dahil naka-lock-in taping ang karamihan sa mga cast members nito ay nagiging limited din ang kanilang pag-guest sa iba’t ibang programa ng GMA.

Buti na lang at kahit papano ay nakakapag-vlog pa ang Pinay Jamie na si Ysabel Ortega.  Alam niyo ba na isa sa mga hobbies ng dalaga ay ang pagbe-bake? Influenced by her mother na may sariling bakery noon, natutunan ni Ysabel ang pagbake ng kung anu-anong cookies and pastries at para sa kanyang comeback video ay Chocolate Chip Cookies with a twist ang kanyang handog!

Hmmm… mukhang masarap ah! We wonder kung natikman na kaya ng kanyang ka-loveteam and rumoured boyfriend na si Miguel Tanfelix ang mga luto niya? Natikman na ba ng binata ang cookie ng dalaga? Penge naman kami n’yan!

Previous articleTop 5 Paulo Avelino Movies to Watch
Next articleJulia Barretto handang magpakasal kay Gerald Anderson