VLOG WATCH: Ang Bonggang House Tour ni Bea Alonzo!

ADVERTISING
Vlog Watch

BEA ALONZO is one of the top actresses of the Philippines. Kinikilala bilang Movie Queen at Teleserye Queen ng Kapamilya Network, hindi na kataka-taka na mala-masyon ang kanyang naipundar na bahay para sa sarili at sa kanyang pamilya. Kitang-kita sa kanyang humble abode ang years of blood, sweat and tears na inialay niya sa pagtatrabaho bilang artista.

Matagal na ang bahay na kasalukuyang tinitirahan ni Bea na nabili niya noong 2012. Newly-renovated ang ilang parte ng kanyang palasyo at dahil desidido na ‘ata ito na maging aktibo sa kanyang sariling YouTube channel, pinagbigyan niya ang isa sa most requested video ng kanyang fans and supporters – A HOUSE TOUR!

ADVERTISING

Ang maganda sa bahay ni Bea, marami itong mga art pieces and paintings na nagrereflect sa personalidad ng aktres. Kilalang homebuddy si Bea kaya naman gets namin kung bakit hanggang maaari ay na-customized niya ang bahay ayon sa kanyang kagustuhan.

Sa 2-part House Tour na ito ay masisilip natin ang kanyang sala na maraming kuwento o memories, ang opisina na hindi masyado ginagamit, ang kanyang books and awards collection, mga paintings na likha ng mga sikat na artists, ang kuwarto niya na ‘simple’ pero sopistikada, ang swimming pool area na may nakakaaaliw na tea house/painting area. Mapapa-wow ka na lang talaga!

ADVERTISING

Panoorin ang 2-Part Bea Alonzo House Tour at malay niyo, baka balang araw ay ma-afford niyo rin ito! Visualization works! A BEAutiful Home for a BEAutiful woman!

ADVERTISING