VLOG WATCH: Andrea Brillantes is Annaliza for a Day!

Vlog Watch

ISA SA MGA most loved child stars turned teen actress ang magaling na Huwag Kang Mangamba star na si Andrea Brillantes. Bago pa ito kinainisan bilang Marga sa Kadenang Ginto at ngayo’y kinakaawaan sa bago niyang palabas, minahal muna ito ng madlang pipol bilang si Annaliza.

Para i-celebrate ang bagong milstone ng kanyang channel na ngayo’y may 3 Million+ subscribers (and still growing!), muling binalikan ni Andrea ang kanyang iconic character. Sa ‘teen version’ ni Annaliza ay maldita pa rin sa kanya si Arlene (formerly played by now Kapuso Kyline Alcantara), masipag pa rin ito sa gawaing bahay at gustong-gusto pa rin niyang kinakanta at sinasayaw ang ‘Kembot’. Sige, ikembot!!!

Sure kami na tuwang-tuwa ang mga loyal fans ni Andrea lalo na ang mga viewers na simula noong Annaliza days pa lang nito ay sinusundan na ang karera ng dalaga. Ang tanong ngayon ay posible kaya na mag-reunite sila ng original Arlene na si Kyline Alcantara, na ngayo’y isa nang Kapuso talent? Posible naman siguro na mag-collaborate sila sa isang special vlog, ‘diba? Whachathink?!