VLOG WATCH: Andrea Brillantes hindi napigilan ang kilig kay Alden Richards!

Vlog Watch

JUST LIKE any other Pinoy of any age or sex, nainlab tayong lahat sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) a.k.a. AlDub ng Eat Bulaga. Naging bonding moment sa tanghalian na ng mga viewers ang panonood sa kakaibang kalyeserye na minahal at sinubaybayan ng mga tao.

Isa sa mga fangirls ng AlDub tandem ay ang current teen queen ng Kapamilya Network na sa Andrea Brillantes. Kahit na ito ay certified Kapamilya, hindi naman niya itinatago na naging fangirl siya ng phenomenal loveteam at dream niya na makatrabaho ang kanyang crush na si Alden Richards.

 

Sa wakas ay nabigyan na ng katuparan ang pangarap ni Andrea dahil silang dalawa ang pinagsama para sa TVC ng isang energy drink brand. Kitang-kita mo ang kilig sa mga mata ni Andrea at naaliw kami dahil sa last day ng kanilang TVC shoot ay sinabi ni Andrea na in five years time ay wish niya na magkasama naman sila ni Alden sa isang movie. Well.. why not, ‘diba? Aabangan namin ‘yan!