VLOG WATCH: Andrea Brillantes as Marga Mondragon Labandera! (wala kasing pasok sa school!)

Vlog Watch

KAHIT NA may bagong teleserye na si Andrea Brillantes kasama ang kanyang Gold Squad members na sina Francine Diaz, Seth Fedelin at Kyle Echarri, hindi mo maikakaila na epic talaga ang papel na ginampanan nito sa high-rating afternoon series ng 2018-2020 na Kadenang Ginto.

Pa-good girl man ang role ngayon ni Andrea Brillantes bilang Mira sa Huwag Kang Mangamba, nakakamiss pa rin ang kanyang pagganap bilang rich turned poor spoiled brat na si Margaret ‘Marga’ Mondragon. Dahil ramdam niya na mukhang miss na miss ng kanyang fans ang kanyang bratinella side, isang araw niya itong binalik sa kanyang vlog. Yes, we have Margaret Mondragon for a Day!

Andrea just turned 18 at binalik nito ang kanyang iconic character for a day to make her fans happy. Nakakaaliw nga at parang trip namin na magkaroon ng stand-alone digital movie si Marga and how she will deal with the world being poor sa pandemic kaya she needs to make laba for a living. Huwaw!