VLOG WATCH: Andi Eigenmann’s First Birthday Celebration in Siargao (may pa-Mañanita!)

Vlog Watch

ANDI EIGENMANN is now officially 31 years old. Sa dami ng pinagdaanan ng semi-retired actress and now full-time mommy of three kids, natutuwa kami na makita na siya ngayon ay living the ideal island life sa Siargao Island with her kids and her partner Philmar Alipayo.

Extra special ang 31st birthday ni Andi Eigenmann nong June 25 dahil first time niya ito isinelebrate sa kanyang bagong tahanan. Sinalubong ito ng isang Mañanita, na parte na ng tradisyon sa Siargao.

Masisilip din natin ang paghanda ni Andi ng katakam-takam na sinigang na request ng kanyang panganay na si Ellie (na mukhang sobrang sarap!) at ang kanyang birthday spaghetti na ipinamana naman sa kanya ng kanyang lovable mom na si Jaclyn Jose.

May slight inggit kami kay Andi dahil nagigising siya araw-araw sa isang isla na very chill and steady lang. We’re happy that she’s living the island life!

Belated Happy Birthday Sa’yo, Mommy Andi!