VLOG WATCH: Achieve SEXY BACK Using Resistance Bands with Kris Bernal!

ADVERTISING
Vlog Watch

MAY FITNESS GOALS ka ba bago matapos ang taon para tuloy-tuloy ang balik-alindog para sa 2021? Need more inspiration? Kris Bernal is here for you!

Nagbabalik si Kris Bernal sa kanyang YouTube account with another fitness-related video. This time, focus tayo sa sexy back using resistance bands!

ADVERTISING

Hindi naman sikreto sa mga subscribers ng ex-Kapuso turned Kapatid actress na passionate ito pagdating sa kanyang fitness goals. Nag-umpisa pa nga ito ng ‘Kris Made Me Do It’ sa kanyang vlog at nag-rent pa ito ng studio para lang maibigay niya sa fans niya ang quality fitness content na kailangan nila. Sa katunayan, puwede na nga maging host ng isang lifestyle show si Kris na nakapokus sa fitness. Why not, ‘di ba?

Sabayan niyo na si Kris Bernal sa pag-achieve ng sexy back using resistance bands! Ingat lang pero, ha?

ADVERTISING

Kung matagal-tagal ka nang walang balita kay Kris, ito ay may bagong programa na sa TV5. Yes, after more than ten years of being a Kapuso ay magtatrabaho na sa TV5 si Kris via ‘Ate ng Ate Ko’ na mapapanood na next week. Kasama niya rito sina Isabelle de Leon, Jake Cuenca at Joem Bascon. Kaya siguro talagang tinotodo na rin niya ang mga workouts.

ADVERTISING