VLOG WATCH: A Day in Ysabel Ortega’s Farm!

Vlog Watch

BAGO PA natin siya mapanood bilang Jamie Robinson sa Pinoy live-action version ng inaabangang Voltes V: Legacy, ang pagiging haciendera muna ni Ysabel Ortega ang kanyang ipinasilip!

Hindi naman sikreto sa lahat na maituturing na isang showbiz royalty ang dalaga, na anak nina Sen. Lito Lapid at singer/actress Michelle Ortega. Nakuha nito ang good traits ng kanyang mga magulang kaya naman tulad ng isang sunflower ay namumukadkad ang ganda ni Ysabel habang tumatagal, huh!

Kung follower kayo ng vlog ng dalaga ay alam na ninyo na may mga farm properties na ito, na tipong mapapa-sana all ka na lang. What we love about these videos ay ang genuine love nito for farming. Sa kanyang bagong vlog ay ipinasilip niya ang kanyang simpleng day in the farm life of hers kung saan namitas ito ng mais, kamote at ipinakita ang kanyang hacienda. Haciendara Queen ftw!