VLOG WATCH: A Day in the Work Life of Alex Gonzaga sa ‘Lunch Out Loud’

Vlog Watch

NAPAPANOOD na nga sa noontime-variety show ng TV5 na Lunch Out Loud si Alex Gonzaga. Sa mga unang episodes ng programa ay hindi present ang dalaga dahil kinailangan nitong mag-quarantine pagkatapos magpositibo sa Covid-19.

Ngayon na siya’y nakarecover na at na-regain na ang kanyang energy (hyper na naman siya as usual!), nagbalik-trabaho na rin ito sa Lunch Out Loud o LOL ng TV5.

Sa mga hindi nakakaalam, nag-umpisa ng kanyang showbiz career si Alex Gonzaga sa ABS-CBN, pero sa TV5 siya sumikat at unang nabigyan ng importansya sa pamamagitan ng paghohost ng iba’t ibang talkshows at mga teleserye. Dito niya nahasa ang kanyang acting, hosting and singing skills. Bumalik lang ito sa ABS-CBN at doon ipinagpatuloy ang kanyang showbiz journey hanggang sa maging isang sikat na YouTuber na nga.

This time ay nagbalik-Kapatid si Alex Gonzaga. At home na at home ito dahil mga dating katrabaho rin naman ang kasama niya tulad nina Billy Crawford, Bayani Agbayani, Ariel Rivera, KC Montero at Wacky Kiray.

Curious ba kayo na mapanood kung ano ang BTS o Behind-the-Scenes under the new normal sa taping ng LOL? Nood na!