VLOG WATCH: A Day in the Luxurious Amanpulo Island with Erich Gonzales

Vlog Watch

SI ERICH GONZALES ang isa sa pinaka-hardworking na aktres ngayong taon. Maliban sa kanyang growing YouTube channel at EnRich Originals project with onscreen partner Enchong Dee na ‘You. Me. Maybe’, naging busy rin ang dalaga sa kanyang bagong drama series na ‘La Vida Lena’ na ngayo’y napapanood sa IWantTFC.

Yes, may ongoing series si Erich Gonzales ngayon na siguradong hindi alam ng ilan sa kanyang mga fans dahil hindi pa ito available sa free TV (hopefully soon!). Dahil sa pagiging productive sa dami ng ganap ni Erich sa kanyang showbiz career, deserve naman nito na maglamyerda with her loved ones to relax, take a break and just chill.

‘Yan mismo ang ginawa ng dalaga with her fambam! Pumunta ito sa isa sa pinaka-luxurious na isla sa mundo – ang AMANPULO ISLAND!

Alam namin na sabik na sabik na rin kayo na lumangoy at magtampisaw sa beach with matching lafang habang ninanamnam ang bonggang view. Well, sa ngayon ay ito ang pinatikim sa atin ni Erich sa kanyang latest vlog! What’s Erich’s day like in Amanpulo Island? La Vida Lena, pasok!