VLOG WATCH: A Day in the Life of Heaven Peralejo (as a Student/Actress)

Vlog Watch

BIDA ang PBB housemate turned actress na si Heaven Peralejo sa ongoing afternoon drama na ‘Bagong Umaga‘. Isa ito sa mga artistang pinagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral.

On one of her recent vlog updates, ipinasilip ng dalaga sa kanyang followers ang kanyang typical day at home as a student na nagpa-participate sa isang online class. Hindi man halata, studying under the new normal is harder than being physically in the classroom. Kahit na siya ay kumikita na bilang artista (at siguradong malaki-laki na rin ang talent fee niya, huh!), hindi nito pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. Iba pa rin ang may pinag-aralan lalo na ngayon na hindi rin naman stable ang mga raket sa showbiz.

Dito sa kanyang ‘A Day in the Life’ video ay ipinasilip din ng dalaga kung ano ang mga dinadala niya para sa kanyang lock-in taping para sa ‘Bagong Umaga’. Alam niyo ba na mahilig ito sa mga pajamas? If you want to know more about Heaven, nood at subscribe na!