VLOG WATCH: A Day in Kathryn Bernardo’s Life (Rest Day and Workout Q&A)

Vlog Watch

INAABANGAN NA ng mga fans ang pagbabalik-teleserye ng tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa kasalukuyan ay busy ang magdyowa sa lock-in taping para sa kanilang upcoming show na ‘2G2BT’ (Too Good To Be True). Ilang taon din naghintay ang mga loyal fans sa kanilang major comeback, huh!

Just like any other teleserye tapings, required na mag-lock-in taping ang mga butuin ng 2G2BT. Hindi naman sila araw-araw work mode at may mga rest days din sila. What did Kathryn Bernardo do in one of hers? Record a vlog for us!

Sa Rest Day Vlog ni Kathryn ay napag-isipin nito na magwork out at mag-Q&A mukbang for her fans. Sinagot nito ang ilan sa mga katanungan ng fans pagdating sa fitness, Netflix recommendations, how her life is lately at kung anu-ano pa. Mahaba-haba ito kaya grab your own food and watch the queen answer your Q’s!