VLOG WATCH: 13 Pre-Showbiz Facts About Thea Tolentino!

Vlog Watch

NALALAPIT NA ang paglabas ng upcoming afternoon series ng GMA-7 na ‘Las Hermanas‘. for the longest time ay nasanay tayo na laging nalilinya sa kontrabida roles ang magaling na homegrown actress na si Thea Tolentino. Na-excite kami nang malaman namin na for a change ay siya na ang isa sa mga bida at bait-baitan ang kanyang role.

Kahit na halos isang dekada na sa showbiz si Thea ay bihira itong nagshi-share ng personal details tungkol sa kanya. Sa kanyang semi-active vlog channel ay nag-upload ito ng isang 13 Facts About Me video to celebrate her 25th birthday!

 

Alam niyo ba kung paano i-pronounce ang kanyang real name? Alam niyo ba kung saan siya ‘ginawa’? Alam niyo ba kung ano ang mga hilig niyang sport bago siya maging artista? At alam niyo ba na may pagka-sheltered ito kaya hindi siya marunong mag-commute?

To know more about Thea Tolentino, nood na!