VLOG WATCH: 10 KimXi Questions answered by Kim Chiu and Xian Lim!

Vlog Watch

ISA SA pinakamamahal natin na real-life celebrity couples sa Pilipinas ay ang tambalang Kim Chiu at Xian Lim o KimXi. Kahit na matagal-tagal na rin natin sila hindi napapanood bilang onscreen loveteam, hindi naman maikakaila na ‘love is in the air’ pa rin at lalong tumatatag ang kanilang pagsasama.

Katulad ng mga nagmamahal sa dalawa, curious din kami sa ilang detalye ng pag-iibigang KimXi. Saan nga ba nag-umpisa ang lahat? Alam niyo ba na hindi talaga si Xian Lim ang main leading man ni Kim Chiu noon sa My Binondo Girl? Pero dahil sa kanilang chemistry ay silang dalawa ang naging end game. Naging box-office hits din ang mga pelikulang pinagbidahan nila at top-rating ang kanilang mga TV projects.

Pero… gaano katagal ba nanligaw si Xian kay Kim? Nagkakaroon ba sila ng tampuhan? ‘Yan at marami pang sweet details sa latest vlog ni Xi!