VLOG WATCH: Ang Bonggang New Room Tour ni Andrea Brillantes!

Vlog Watch

ANDREA BRILLANTES is one of the biggest stars on TV today. From being a cute childstar to becoming a teen queen and now on her way to becoming a matured actress, she has really come a long way!

Hard work pays of at kitang-kita ito sa vintage-inspired room ni Andrea ( o tinatawag din in her real name na Blythe). Worth the wait ang new room tour ng dalaga dahil kitang-kita mo sa kuwarto ang kanyang mga paborito.

Meron siyang sariling snack bar na may mga pagkain at mga appliances na bigay sa kanya ng onscreen mother dragon na si Dimples Romana, a music corner na may drumset and photos of The Beatles, a vanity corner, collection shelf na standout ang kanyang Blackpink merch collection and s’yempre, ang kanyang home theater! Kung big fan ka ng dalaga, siguradong happy ka para sa kanya!

Patuloy na umuusad ang showbiz career ni Andrea. What can we say? We stand a hardworking teen queen! YAAAASSS!