VLOG: A Day in the Farm Life of Bea Alonzo (naging utusan ni Madam M!)

Vlog Watch

MARAMI ang namangha nang ipasilip ni Bea Alonzo ang kanyang Beati Firma Farm na matatagpuan sa Zambales. Pagkatapos ng isang dekada matapos niyang mabili ito ay talagang naging full-blown farm na ito na may samu’t saring pananim at mga alagang baka. May fishpond pa nga!

Idagdag pa ang bonggang farmhouse na ipinatayo ng dalaga para sa kanyang mommy dearest, na talagang binuhos ang panahon sa pagpapalago ng kanilang farm property.

Ngayon na mas madalas nang nasa Beati Firma si Bea dahil wala itong regular show at hindi pa nauumpisahan ang kanyang upcoming movie projects, mas niyayakap na nito ang kanyang farm life with her family.

Sa vlog na ito ay masisilip natin ang isang special ‘day in the farm life’ ng nag-iisang Ate Bea Alonzo. Inutusan lang naman siya ni Madam M na magtanim ng calamansi tree at magpakain ng mga baka! Kayanin kaya ng ating Movie Queen ang pagiging Farm Queen? Watch na!