Vivian Velez, tinawag na “spent bullet, empty shell” si FVR

ADVERTISING

 alt=

Facebook post of Vivian Velez
Facebook post of Vivian Velez

Tinawag ni Vivian Velez na “spent bullet, empty shell” si dating Pangulong Fidel V. Ramos (FVR) sa kanyang Facebook post nitong November 1.

Para sa beteranang aktres na masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi maaaring paikutin at pasunurin ni FVR si Pangulong Duterte, kahit pa ikinampanya ito ng dating pangulo noong nakaaraang eleksiyon.

Sabi ni Vivian sa kanyang post, “The old man is a spent bullet, empty shell… just because he supported PRRD he thinks he can steer him around. A stupid move actually Mr. ExP, what a way to be remembered tsk tsk tsk.”

Nitong mga nakaaraang linggo, sunud-sunod ang pambabatikos ni FVR sa style ng pamumuno ni Duterte, tulad ng pagtutok lang umano ng pangulo sa maigting na kampanya nito laban sa droga.

ADVERTISING

Nasundan pa ito ng pagbatikos ni FVR sa pagmamatigas ni Pangulong Duterte na hindi aprubahan ang Paris Agreement on Climate Change, kung saan isa ang Pilipinas sa mga bansang signatory ng naturang pandaigdigang kasunduan.

Kamakailan lamang, tinanggap ni Pangulong Duterte ang resignasyon ni FVR bilang kanyang Special Envoy to China.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING