Vivian Velez, mahusay na aktres ayon kay Direk Ruel Bayani

ADVERTISING

Vivian Velez, mahusay na aktres ayon kay Direk Ruel Bayani

Direk Ruel Bayani & Vivian Velez
Direk Ruel Bayani & Vivian Velez

Bago magsimula ang thanksgiving presscon ng “Tubig at Langis”, nakipagtsikahan nang kaunti ang mahusay na director at unit head nito na si Direk Ruel Bayani.

Natanong nga sa kanyan kung willing pa ba siyang makatrabahong muli si Vivian Velez na kasama dati sa serye na nagdesisyong iwan ito dahil sa ‘di pagkakaunawaan with Cristine Reyes na siyang lead actress.

Tsika nga ni Direk Ruel, “Oh, yes! She’s an amazing actress. I’d love to have her again. She’s a good person, believe me. It was just unfortunate, but lahat kami sa team ay naniniwala na we will be working each other again.

“In fact, nakarating sa akin thru Nadia (Montenegro ) that’s she’s sincerely happy for the show, and ‘yun ang gusto kong sabihin. Para sabihin niya ‘yun, ibig sabihin, masaya siya for us dahil alam niya na ang tagumpay na ito ay malaking bahagi siya.”

ADVERTISING

Dagdag pa ni Direk Ruel na apat linggo na lang daw ang itatagal ng serye kahit na nga sobrang taas ng ratings nito dahil na rin sa nalalapit na kasal ng isa sa lead actress nito na si Isabelle Daza.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING