Vivian Velez, binastos ni Cristine Reyes sa taping “Tubig at Langis”;
nagpahayag ng “imediate irrevocable resignation” sa teleserye

Vivian Velez, binastos ni Cristine Reyes sa taping "Tubig at Langis"; <br> nagpahayag ng "imediate irrevocable resignation" sa teleserye

Vivian Velez, binastos ni Cristine Reyes sa taping "Tubig at Langis";  nagpahayag ng "imediate irrevocable resignation" sa teleseryeNaintriga kami sa post ni Vivian Velez sa kanyang Facebook account tungkol saisang actress na kasama niya sa teleseryeng “Tubig at Langis”. Hindi niya binanggit ang pangalan ng artistang babae na nambastos sa kanya. Pero may idea kami kung sino itong starlet, si Cristine Reyes ang tinutukoy ng magaling na actress.

Nag-voice out si Vivian sa kanyang FB account dated March 6, Sunday: “With much trepidation, I would like to tender my immediate irrevocable resignation, effective immediately, from the show, Tubig at Langis. I have never been so upset and humiliated by an actress in my entire career spanning four decades!”

Tinawagan namin si Vivian Velez para linawin ang issue tungkol sa kanila ni Cristine Reyes. Inamin ni Double V na binastos nga siya ng starlet.

“Ed, sobra siya… palayasin ba naman ako sa shared standby room namin. At marami pa siyang ibang kabastusan na ginawa,” turan ni Vivian.

Maraming pangyayaring pinalalagpas na lang ni Double V ang negative attitude ni Cristine.

Sabi pa ni Vivian sa kanyang private message, “We shared a designated standby room and she asked me to leave the room impolitely (padabog) because she wants it only for her own. And many other instances of rudeness that is uncalled for.

“I can’t stand the spoiled brat behavior of Cristine Reyes. I have worked with the biggest stars in the industry and I can say that I’ve come full circle, but never had I experience such rudeness by anyone in the industry.”

Hiyang-hiya raw ang production staff kay Vivian sa magaspang na pag-uugali ng starlet, kuwento pa ni VV.

Maging si ZanjoeMarudo ay humingi rin ng dispensa kay Vivian sa ginawang pambabastos ni Cristine.

Personal na magpapaalam si Vivian sa producer ng “Tubig at Langis” bilang respeto bago siya tumulak papuntang Italy this week.

Malaking kawalan ang actress sa nasabing serye kung hindi maaayos ang gusot sa pagitan nina Vivian at Cristine.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield