Vivamax newbie sexy star Denise Esteban palaban sa hubaran

FROM P-POP promising Viva talent ay nagtuloy sa pagiging sexy star ang morena beauty na si Denise Esteban.

Siguradong kilala na si Denise ng mga tagahanga ng Pinoy Pop o P-Pop group na PPOP Generation, na naantala ang pagsikat dahil sa pandemya. Nang bigyan ng oportunidad ng Viva si Denise na mag-audition para sa new breed of sexy stars na ilo-launch nila ay agad na grinab ito ng dalaga and as early as now ay masasabi namin na malaki ang potensyal niya na mas sumikat pa.

Vivamax newbie sexy star Denise Esteban palaban sa hubaran
Denise Esteban

Bida ngayon sa pelikulang ‘Doblado‘ si Denise kung saan kapares niya ang ex-PBB housemate na si Josef Elizalde. Bago ito ay nasilayan ng mga manonood ang kanyang alindog sa pelikulang ‘Kaliwaan’ nina AJ Raval at Vince Rillon. Masasabi namin na matapang ang dalaga dahil biktima ng pang-aabuso ang kanyang karakter at may ginawa itong eksena na naging awkward para sa amin bilang isang viewer.

Kahit na baguhan pa lang ay bida agad si Denise sa ‘Doblado’, kung saan ginagampanan niya ang papel na Jaica na estudyante by day, prostitute at night. Maliban kay Denise ay mapangahas din ang mga eksena ng Viva Hot Babe na si Gwen Garci sa isa pang baguhang sexy star na si Kat Dovey.

 

Ang ‘Doblado’ ang latest Vivamax film na mula sa direksyon ni GB Sampedro. Napapansin namin na tila trip ng direktor ang mga tema na may estudyante. Siya rin ang direktor ng kontrobersyal na ‘Kinsenas, Katapusan’ nina Ayanna Misola at Joko Diaz at siya rin ang direktor ng upcoming sex-comedy series na ‘High On Sex’, kung saan isa sa mga bida si Denise. Maliban dito ay si Denise din ang magbibida sa pelikulang ‘Secrets’ kung saan kasama niya ang beauty queen turned sexy star na si Janelle Tee.

Goodluck sa’yo, Denise!