Viva Entertainment nakipagpartner sa TV5 para sa mga bagong shows

ADVERTISING
Leo Bukas

SA HULING bahagi ng 2020, nananatiling una sa mga prioridad ng Viva Entertainment ang kasiyahan ng masang manonood.  Sa pamamagitan ng tambalan nito sa TV5, makapaghahatid ang Viva ng mga programang magbibigay aliw at inspirasyon sa lahat ng tao anumang edad, lalo na sa panahon ngayon ng pandemia. 

Limang kakaibang programa mula sa CignalTV at SariSari na ginawa ng Viva na nagmula sa TV5 ang bubungad agad ngayong Oktubre at Nobyembre.

ADVERTISING
Viva Entertainment nakipagpartner  sa TV5 para sa mga bagong shows
Billy Crawford hosts Masked Singer Pilipinas

Ang Masked Singer Pilipinas kung saan host si Billy Crawford, ay ipalalabas simula October 24, 7 PM sa TV5 Primetime block.  Hango ito sa South Korean Show na “King of Mask Singer”,  na ginawa rin ng America bilang “The Masked Singer” kung saan ilang celebrity contestants ang magtatagisan ng galing habang nakasuot ng maskara at costume.

Sina Cristine Reyes, Kim Molina, Matteo Guidicelli at Aga Muhlach ang magiging celebrity judges ng show.

Another TV show ng Viva Entertainment sa TV5 ay ang comedy-horror series na Ghost Adventures na pagbibidahan ni Benjie Paras, Empoy Marquez at Kylie Verzosa.

ADVERTISING

Dapat ding abangan ang Bella Bandida na pagbibidahan ni Ryza Cenon simula Nobyembre 23.  Ito ang unang “title role” para kay Ryza Cenon.

Viva Entertainment nakipagpartner  sa TV5 para sa mga bagong shows

Mapapanood din sa TV5 ang Kagat ng Dilim ng batikang direktor na si Erik Matti. Simula ngayong Nobyembre, bubuhayin ng mga critically acclaimed directors na sina Richard Somes, Lawrence Fajardo, Paul Basinillo at Rae Red ang Kagat ng Dilim at sisiguraduhing magbibigay ng mga nakahihindik na kwento.

Ang ikalimang handog ng Viva at TV5 ay ang Onstage kung saan matutunghayan ang mga pinakamahuhusay at di malilimutang konsyerto ng inyong mga paboritong mangaawit. 

Ilan sa mga nakalinyang programa ay ang  “Anne Kapal Forbidden Concert” ni Anne Curtis, “Revolution: The JaDine Concert” nina James Reid at Nadine Lustre, “The Crew: Billy Craword, Sam Concepcion and James Reid”, “Playlist”, “SiKat Ako: Katrina Velarde Concert”, “Martin & Side A”, Martin Nievera 3D, “What Love Is?” nina Martin Nievera at Sarah Geronimo, at iba pang Sarah G concerts, tulad ng “In Motion”, “The Next One”, “From The Top”, at “The Great Unknown”.

ADVERTISING