Viva Boss Vic del Rosario, walang magagawa kung gusto nang mag-asawa ni Sarah Geronimo

ADVERTISING

Viva Boss Vic del Rosario, walang magagawa kung gusto nang mag-asawa ni Sarah Geronimo

Viva Boss Vic del Rosario
Viva Boss Vic del Rosario

Papayag na naman pala si Boss Vic del Rosario ng Viva sakaling mag-asawa na si Sarah Geronimo at pakasalan nito si Matteo Guidicelli.

ADVERTISING

“Siyempre, hindi ko maku-control ‘yon. Pero sa tingin ko, hindi pa siya mag-aasawa. Magtu-twenty eight pa lang siya. Baka hindi pa siya ready.

“I mean, naghahanda pa lang siya. Kasi may mga commitment. Kasi pag nag-asawa siya, malamang mag-retire. ‘Yung iba kasi, pag nag-asawa, tuloy pa rin,” sabi ni Boss Vic.

Pakiramdam ni Boss Vic, hihinto na rin sa showbiz ang Popstar Princess kapag nag-asawa na ito.

ADVERTISING

“Si Sarah Geronimo, ang plano niya sa buhay niya, even if mag-asawa siya, ayaw na rin niyang mag-work. Tingin ko lang. Tingin ko naman ‘yun ang dapat. Para ‘yung family life mo, tahimik na.

“Anyway, since she was four (years old), nagwu-work na siya eh.”

Baka rin daw pakanta-kanta na lang ang gawin ni Sarah sa mga special occasion kapag lumagay na ito sa tahimik.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING