Viral video nina Joshua Garcia at Julia Barretto hudyat kaya sa muli nilang pagsasama sa pelikula?

Leo Bukas

NAG-VIRAL ang music video ng ex-couple na sina Julia Barretto at Joshua Garcia para sa kanta ni Moira dela Torre na Paubaya. As of this writing ay more than 11 million na ang views nito sa Youtube after i-upload last Feb. 14.

Halatang hindi scripted ang mga dialogue nina Joshua at Julia sa naturang music video dahil ramdam ang kanilang ma hugot sa pinagdaanang relasyon na hindi rin nagtagal at nauwi lamang sa hiwalayan.

Viral video nina Joshua Garcia at Julia Barretto hudyat kaya sa muli nilang pagsasama sa pelikula?
Julia Barretto and Joshua Garcia

Walang pormal na closure ang JoshLia sa kanilang hiwalayan noon pero ngayon ay naging malinaw na ang lahat nang sabihin ni Julia na she is taken. Well, alam naman natin kung sino ang lalaking nagmamay-ari ng puso ngayon ni Julia – walang iba kung hindi si Gerald Anderson.

Pero how about Joshua, taken na rin kaya siya ngayon? Parang hindi pa, di ba?

Maraming fans ang nagwi-wish ngayon na muling pagsamahin sa isang pelikula sina Joshua at Julia. Kaya lang, nasa Viva na si Julia at nasa Star Cinema si Joshua. Maging posible kaya ito?

Ini-launch ang tambalan nina Joshua at Julia sa romantic drama movie na Love You to the Stars and Back ng Star Cinema noong 2017 na idinirek ni Antoinette Jadaone.