Vince Tañada, naiyak sa concert ng Philippine Stagers sa Araneta

ADVERTISING

Vince Tañada, naiyak sa concert ng Philippine Stagers sa Araneta

Vince-TanadaMega Super blockbuster ang concert ng Philippine Stagers Foundation sa Smart Araneta last Monday (December 14). Hindi akalain ni Vince Tañada na mapupuno nila ang venue sa dami ng students na nanood ng kanilang show. Naiyak nga ang award-winning director/ actor/ writer/ producer sa suportang ibinigay ng kanilang mga fans.

Maaga pa lang, sold-out na ang tickets, mahaba na ang pila sa labas ng Araneta. Very entertaining ang bawat production number ng Stagers, nakae-enjoy silang panoorin on stage. Lahat sila, may kanya-kanyang solo number na talaga namang kinagiliwan ng manonood. Binigyan sila ng spot ni Vince Tañada para mag-shine lalo na ‘yung mga bagong miyembro ng Stagers. Nakabibilib ang kakaiba nilang talent – singing, dancing, and acting at the sametime. Tunay silang alagad ng sining kaya sobrang proud si Vince sa kanyang mga anak-anakan sa theater.

Surprisingly, tinitilian, hinahabol ng mga fans ang mga male lead stars ng Stagers nang mag-solo number ang mga ito. Wala akong masabi, talbog nila ang ibang artista. Lalo na si Vince, nakabibinging tilian ng mga fans tuwing lalabas ito on stage at magpe-perform kasama ang Stagers. Teka, sino ba ‘yung matrona na diva raw na biglang umawit? I’m sure, hindi siya talent ng Stagers. Sorry po, parang sintunado yata ang boses. Tama po ba ako, Ginoong Dennis Sebastian? Congrats Philippine Stagers for such a fantastic show.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING