Vince Tañada, mapangahas ang bagong stage musical

ADVERTISING

Vince Tañada, mapangahas ang bagong stage musical

Vince Tañada
Vince Tañada

Mapangahas ang Philippine Stagers Foundation sa bago nilang musical stage play na “Katips: Ang Mga Bagong Katipunero” na isinulat at dinirek ni multi-awarded Vince Tañada. Isasadula ng PSF ang dark era of Philippine history in the 1970s.

Para kay Vince, kailangan niyang gawin ito para malaman ng mga millennials kung ano ang naranasan ng ating mga kababayan noong panahon ng martial law.

“This is a personal advocacy more than anything. When I read posting on line, they said that the Marcos era was the glorious days of the Philippine history. I can’t help but react. I’m a writer then writing for like 20 years already and I never takle anything like this.

“Ang sa akin lang, kailangan na ngayon. ‘Yung lahat ng mga sinulat ko, I don’t have personal knowledge about it. But this one, I have personal knowledge. In a way, my family was affected by the evil of martial law and I really have to do this not only for myself…” makabuluhang sabi ni Vince.

ADVERTISING

Gusto lang linawin ni Vince Tañada na hindi anti-Marcos ang stage play. Katunayan nga, naka-schedule silang mag-perform sa Ilocos na balwarte ng Marcoses. Naka-ready na ang PSF kung anuman ang maging reaction ng Marcos loyalists after watching the play.

“I just want to educate the young people about the martial law. Our resource people here are victim of martial law. They were torture and we were crying the entire time they were talking. The past five presidents didn’t do anything about it. We have seen the various textbooks. Itong mga millenials, nag-aral sila. It was briefly mention, hindi mahaba para magkaroon ng effect. So, if the 5 past presidents did not do anything… I mean, including martial law or this dark era of the Philippine history in the curriculum for education. Me as an artist, I have duty and power to utilize the art. To utilize my craft which I have perfected for almost 2 decades. To inspire and to educate the young people,” paliwanag ng magaling na actor/director.

The good things about this play, ipi-present ni Vince ito sa mga estudyante. ‘Yun ang challenge para sa kanya. “This is not a one side story. May mga nagpunta rito na talagang na-torture noong panahon ng martial law. Sabi ko, kung ‘yung pakikipaglaban nila walang nangyari hanggang ngayon, hindi pa rin properly conpensated. We will do our part as an artist. Kailangan talagang ma-inform ang mga kabataan, kasi hindi nila alam.”

Ayon kay Vince, ipakikitang PSF ang kasaysayan ng martial law. “Infact, nandito rin ‘yung mga mabubuting ginawa ng mga Marcoses. Tignan na lang natin ‘yung mga kabataan kung papaano nila i-judge itong play. This particular play focus on the real event that transpired during the Marcos era. Nand’yan ‘yung welga sa La Tondeña. Nand’yan ‘yung mga tino-torture. Nand’yan ‘yung curfew and I’m sure makare-relate ang mga kabataan, at nand’yan ‘yung Edsa revolution. I hope that all of you will tell your readers that I am not pro-Aquino, I was not paid by the yellow (Aquino). Kasi ‘yan palagi ang dahilan kapag may gagawin kang ganito kasi binayaran ka kasi ng mga dilaw. Hindi ako maka-Aquino, I am doing this because this is part of history and we really need to educate the people,” pahayag ng Palanca winner na si Vince.

Napag-alaman din namin, this particular play will be feature saTV show ni Korina Sanchez-Roxas (August or September 2016) and various news program.

“Kailangang maging high-profile, kung may mangyari man na masama alam na natin para ma-prevent natin ‘yung ganu’n,” aniya.

Ang mga lead star na magsisiganap sa “Katips: Ang mga Bagong Katipunero ay sina Kierwin Larena (Greg), Maya Encila (Lara) Vince Tañada (Panyong), at Adelle Ibarientos-Lim (Alet). Grand premiere on August 11, 2016 at the Adamson University Theatre.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING