Vina Morales, sobrang inip nang magkaroon ng lovelife

Vina-MoralesBLOOMING ANG beauty ngayon ni Vina Morales pero wala raw siyang lovelife. Busy lang daw siya sa business niya at sa taping ng Nassaan Ka Nang Kailangan Kita na extended for another season.

“Wala pa, eh. I think I haven’t meet someone special,” pahayag pa niya.

“I go out on date but nothing serious. Pero hindi ‘yon exclusively dating. Sana, exclusively dating, pero wala.”

Hindi ba siya naiinip na magkaroon ng bagong pag-ibig?

“Actually, sobrang inip na. Six years na rin, eh, kasing taon ng anak ko,” sagot pa niya.

Ayon pa kay Vina, choosy na rin daw siya ngayon pagdating sa pagpili ng mamahalin. Ano ba ang hinahanap niya sa lalaki?

“First, my priority is my daughter, so kailangan priority din niya is me and my daughter. Siguro ‘yon ‘yung pinaka-first option na magugustuhan ko sa isang tao.”

Hindi naman daw naghahanap ng father figure ang kanyang anak, kaya okey lang.

“No naman, but she prays that I will have… na sana, she will have a brother or a sister soon. Sabi ko, ako naman pinagpe-pray ko na dapat daddy muna, dapat asawa muna, but you know, we’ll see,” sambit pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleArnel Ignacio, binastos-bastos lang ng aspiring singer
Next articleKris Aquino, binastos ang executives ng isang magazine?

No posts to display