Vina Morales, ipaglalaban ang dyowang French

ADVERTISING

Vina Morales, ipaglalaban ang dyowang French

Vina-MoralesKUNG PAGBABASEHAN ang post ni Vina Morales sa kanyang Instagram ay walang duda na super in love ito sa French boyfriend na si Marc Lambert. Ipinost niya ang tatlong larawan sa isang frame na ‘yung isa ay hinahalikan siya ng French boyfriend sa pisngi at nakayakap din sa kanya ito.

Sa message/caption ni Vina, nakasaad na nami-miss na niya si Marc dahil pareho silang busy sa trabaho. Pero nangako na kapag nagkita sila ay babawi sa isa’t isa.

Ipinagdiinan pa ni Vina na sa ngayon ay wala raw puwedeng makapigil sa nadarama nilang pagmamahalan at walang makapaghihiwalay sa kanilang dalawa kahit na may mga evil forces na magtatangkang sirain ang kanilang relasyon.

“Thank you for the photos, love. Can’t wait to spend quality time with you soon, after my busy schedule and your business trip. There were several evil attempts to break us. We managed through it by being silent. It even made us stronger. We know that no evil plans can set us apart nor ruin us as individual. See you soon. God is great.”

ADVERTISING

Well, sana lang ay natagpuan na nga ni Vina ang tunay na magmamahal sa kanya nang walang kapantay. Marami na rin siyang isinakripisyo at ipinagdusa nang magmahal, pero hindi tinumbasan ng tamang pagmamahal. Matapos anakan ng controversial na guy at madalas na saktan ay iniwanan dahil likas na babaero raw diumano ang controversial guy.

Sana ang French boyfriend na nga ang lalaking hinahanap at magmamahal nang tunay kay Vina.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING