Vina Morales gives birth to baby Cena

ADVERTISING

CONGRATULATIONS KAY VINA Morales dahil safe ang kanyang panganganak nu’ng nakaraang Sabado nang umaga sa Cardinal Santos Hospital. Isang malusog na baby girl at Cena ang name ng iniluwal nito na may timbang na 6.9 lbs.

Tuwang-tuwa si Vina nang nakausap ito ng Startalk via phone patch nu’ng nakaraang Sabado, dahil normal ang panganganak niya.

Nang nakausap ito ng Startalk reporter namin nu’ng nakaraang Biyernes ng hapon, medyo kabado pa ito dahil baka caesarian daw siya. Nasa Lamaze room na siya nu’ng mga oras na ‘yun at medyo matagal din ang labor niya dahil kinaumagahan na siya nanganak.

Medyo matagal-tagal pa raw siya munang babalik sa trabaho dahil gusto nitong personal niyang alagaan ang kanilang baby.

Kahit naintriga pa noon si Vina sa tatay ng kanyang anak, hindi naman ito pinabayaan at talagang binantayan siya hanggang sa makapanganak.

ADVERTISING

Halos sabay-sabay na nanganak ang ilang artista bukod dito kay Vina.
Kapapanganak din ni Mylene Dizon ng pangalawang baby nila ni Paolo Paraiso at isang baby boy naman ito. Si Nancy Castiliogne pala, nanganak na rin pero hindi lang namin nakuha ang mga detalye sa kanyang panganganak. Ang pagkakaalam lang namin, kambal ang iniluwal nitong baby, pero ewan ko lang kung totoong wala naman daw roon ang tatay ng kanyang kambal na iniluwal kamakailan lang.

by Lolit Solis

ADVERTISING