Vina Morales, ‘di pa kailangan ng partner sa buhay

Vina Morales, ‘di pa kailangan ng partner sa buhay

Vina-MoralesGAGAMPANAN NI Vina Morales ang role ni Cecilia na unang pinortray noon ni Susan  Roces sa pelikulang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita taong 1986 na may TV version na ngayon sa ABS-CBN with the same title at nagsimula nang ipalabas nu’ng Lunes, Jan. 19. Hindi ba siya naka-relate sa title ng TV series at naghanap ng someone na kakailanganin niyang makasama sa buhay?
“Nasaan nga naman siya nu’ng kailangan ko siya? (laughs!). But I guess,  wala pa, wala pa, eh. Hindi ko pa kailangan siguro. Hahaha!” tugon ng aktres.
Kakaibang challenge para kay Vina ang role niya sa bagong teleserye.  “Kasi itong soap opera na ito, ayaw nina Direk (Jeffrey Jeturian) na masyadong drama na nga, idadrama mo pa. So, para sa akin natsa-challenge ako sa ganyang set- up, kasi nasanay ako sa mga heavy drama.
“Dito simple lang, kung ano lang ‘yung nangyayari sa totoong buhay, normal lang. They want na realistic talaga ‘yung pag-arte. Kung hindi mo kayang umiyak masyado, eh, ‘di okey lang. Saka depende ‘yon sa emosyon mo on that day at sa eksena. So do’n ako natsa-challenge. Kasi medyo sanay ako sa… Kailangan heavy drama lalo na sa pang-gabi (primetime soap)… Excited ako, looking forward ako. Ako naman, open naman ako na matuto sa ibang klaseng pag-arte rin,” dire-diretso niyang pahayag.
Kasama ni Vina sa Nasaan Ka… sina Denise Laurel, Jane Oineza, Jerome Ponce, Joshua Garcia, at marami pang iba. Sa direksyon ito ni Jeffrey Jeturian.

La Boka
by Leo Bukas