Vina Morales at Denise Laurel, kapwa nakare-relate sa kanilang role sa serye

Vina Morales at Denise Laurel, kapwa nakare-relate sa kanilang role sa serye

Denise-Laurel-Vina-MoralesAMINADO ANG Kapamilya actresses na sina Vina Morales at Denise Laurel na kapwa nila nakikita ang kanilang mga sarili sa mga karakter nila pagdating sa pag-ibig sa afternoon drama series sa ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Nakaka-relate talaga ako sa buhay ni Cecilia kasi parehas kami na tumatayong matatag bilang isang single mom para sa anak namin. Tulad niya, naging mas matibay rin ako bilang isang tao, lalo na bilang isang ina, nang dahil sa mga karanasan ko sa pag-ibig,” pahayag ni Vina.

Sey naman ni Denise, pareho sila ng kanyang ginagampanang si Toni pagdating sa pagpapakita ng pagmamahal. “Para sa akin, nagkakaparehas kami ni Toni kung paano umibig, parehas kami na handang isakripisyo at gawin ang lahat para sa mga taong mahal namin.”

Samantala, tiyak mas magiging kaabang-abang para sa TV viewers ang kuwento ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita simula ngayong Lunes dahil lalabas na ang mga karakter nina Jane Oineza, Jerome Ponce, Joshua Garcia at Loisa Andalio bilang sina Corinne, Ryan, Joel at Bea.

Tiyak na magpipista na naman sa social media ang Joshane supporters na kahit si Jerome ang partner ni Jane ay maganda pa rin ang kanilang reaksyon, at kahit si Loisa ay partner ni Joshua ay hindi pa rin sila nang-aaway.

Napapanood ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita araw-araw, tuwing 3:15 p.m. sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

La Boka
by Leo Bukas