Vina Morales, ayaw munang pumasok sa seryosong relasyon

Vina Morales, ayaw munang pumasok sa seryosong relasyon

Vina-MoralesNAGSIMULA NA ang pinakabagong gold telserye ng ABS-CBN, ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinagbibidahan nina Vina Morales, Denise Laurel, Jane Oineza at Loisa Andalio sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial. Ito’y based on the 80’s movie written by multi-awarded screenwriter Ricky Lee. Ayon sa kanya, may mga binago siya para lalong mapaganda ang takbo ng istorya.

Ang TV adaptation ng nasabing soap ay sesentro sa iba’t ibang karanasan sa pag-ibig na babago sa buhay ni Cecilia (Vina), ng kanyang dalawang anak na sina Jane at Loisa, at ni Toni (Denise), ang babaeng walang ibang naging kasalanan kundi ang magmamahal.

Maganda ang takbo ng career ni Vina for the year 2014. Naging super busy siya sa paggawa ng pelikula at teleserye. Bonggacious ang opening salvo ng magaling na actress sa taong ito, 2015. Blessing ngang masasabi ang pagkakaroon niya ng anak kahit single mom lang ito. Sabi nga ni Vina, pareho sila ni Denise na single mother. Hindi pa raw dumarating si Mr. Right. “Wala pa siya, hindi ko pa kailangan,” say ng singer-actress.

Kung naging dalagang ina man si Vina, wala itong regrets dahil ibang klaseng happiness at fullfilment ang naibibigay ng anak niya sa kanya. “Nasaan siya ng kailangan ko siya… ” nagbibirong dugtong pa niya. Hindi raw natin hawak ang ating kapalaran kung ano ang puwedeng mangyari kapag nagmahal ka. Hindi mo alam kung kailan darating ang itinakda para makasama mo habang buhay na tatanggapin silang mag-ina at mamahalin na walang pag-aalinlangan. Right now, happy siya ngayon sa pagiging single mom, kailangan niyang magtrabaho para sa magandang future ng kanyang anak.

Kung pag-uusapan ang lovelife ni Vina, still single pa rin siya. Ayaw muna nitong pumasok sa isang seryosong relasyon. Hindi ang pagkakaroon ng boyfriend ang kanyang priority in life. Naka-focus ngayon ang singer-actress sa kanyang career. “I’m happy dahil hindi ako nawawalan ng TV project sa Kapamilya Network at puro markado ang role na napupunta sa akin kaya lalo akong inspired magtrabaho. Tulad nitong bago naming soap, we’re praying na sana maging successful itong show namin.”

Maging si Denise ay nakasentro rin sa anak niyang lalaki ang mundo nito. Mismong ang actress ang nag-aasikaso ng mga personal na pangangailangan ng anak. “Focus ko is to my son. If I’m not at work, I’m with my son. Hinahatid ko siya sa school. Present ako sa lahat ng activities ng anak ko,” aniya.

Sobrang na-challenge si Vina sa role na ginagampanan niya sa serye. Ngayon lang nito naranasan ang ibang klase ng acting in front of the camera. “Ayaw ni Direk Jeffrey na umaakting ka sa eksena. Na-challenge ako rito dahil napaka-realistic ‘yung mga drama scene namin. Nasanay kasi ako sa mga heavy drama sa pelikula. Open naman akong matuto sa acting,” pagbibidang sabi ni Vina.

“I love challenge, binibigyan ko siya ng something new kaya ako na-challenge. Nagawa ko naman siya nang tama, this is very real, very raw kaya ako na-challenge. Sa istorya, ‘yung character ko naghahanap ng pagmamahal. We just go with the flow, one of the reason, it’s not just a typical love story, kakaiba siya,” pahayag ni Denise.

Kasama rin sa cast sina Jerome Ponce, Joshua Garcia, Aleck Bovick, Christian Vasquez, Aaaron Villafor at Sue Ramirez. Ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Flordeliza.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield