Vin Abrenica at Sophie Albert, muling magtatambal sa Wattpad

Vin Abrenica at Sophie Albert, muling magtatambal sa Wattpad

Sophie-Albert-Vin-AbrenicaMAGKAKASAMANG MULI ang isa sa hottest loveteam ng TV5 at real sweathearts na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Wattpad Presents: Marry You na magsisimula nang mapanood sa May 4, 2015, mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 pm.
Kaya naman pihadong marami na namang kikiligin at paiibigin ang dalawang Kapatid teen stars sa gabi-gabing panonood ng Marry You.
Sobrang kasiyahan nga ang dulot nito sa mga loyal supporters nina Vin at Sophie na laging nag-aabang sa pagsasama ng dalawa sa mga bagong shows ng TV5.
UnisilverUniSilver Time magse-celebrate ng 10th anniversary via big concert

SA MAY 15, 2015 ng 7 pm magaganap ang engrandeng selebrasyon ng 10th anniversary ng UniSilver Time na gaganapin sa Aliw Theater via concert “10 X Giving”.
Maraming Celebrities ang mapapanood mula kina Sam Milby, Karyle, Sponge Cola, UPGRADE, Barbie Forteza, Derick Monasterio, Ken Chan, Teejay Marquez, Sassy Girls, Juan Direction, Kim Rodriguez, Joshua Joffe, Bea Binene, Julie Anne San Jose, at Kate Lapuz.
Kasama rin sina Rich Asuncion, Eula Caballero, Mart Escudero, Vin Abrenica, Brent Manzano, Timmy and Tammy Kids, Ejay Falcon, Valeen Montenegro, Enzo Pineda, DJ Mama Emma, DJ Kristine Dera, DJ Lala Banderas, Joshua Dionisio, Benjo Leoncio, Sophie Albert, Misters of the Philippines sa pangunguna ni Niel Perez, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla