Vin Abrenica on Cheating and Temptation: ‘You always have a choice’

GOING STRONG ang relasyon ng engaged couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert. Sa pagdating ng kanilang little angel na si Baby Avianna Celeste, mas lalong tumibay ang samahan ng dalawa at ngayo’y naninirahan na rin sa isang bahay.

Sa kanilang vlog channel na Vin & Sophie ay napapanood ng kanilang followers ang kanilang adventures as a new family. Sa bago nilang video ay ginawa ng dalawa ang ‘Questions We’ve Never Asked Each Other‘. Maraming rebelasyon ang magkasintahan na interesting para sa amin.

Vin Abrenica on Cheating and Temptation: 'You always have a choice'
Sophie Albert and Vin Abrenica

Isa sa mga katanungan ni Sophie kay Vin na pumukaw ng aming atensyon ay ang tanong tungkol sa cheating. Tinanong nito ang partner kung naniniwala ba ito na “men can’t resist the temptation to cheat.”

Para kay Vin, unfair i-assume na lahat ng lalaki ay naggi-give in sa temptations.

Ang nakakalimutan ng statement na ‘yun is that God gave us a choice, and that’s His gift to humans, to man. Binigyan rin Niya tayo ng choice to choose what’s right and wrong,”

May taong cheater, will he always be a cheater all his life? It’s a choice. You choose to cheat, or you choose to be tempted. It’s not a matter of sex or biology, kung lalaki or babae ka. If it’s not working in the first place… why would you get something from other girls? Why not consult your partner first?” dagdag pa ni Vin.

Para kay Vin, open communication and teamwork ang essentials to make a relationship work.

Kung ayaw ninyo pa rin ang isa’t isa, then at least you have closure. Maghiwalay kayo. Then you do the stuff that you want to do. At least you’re not going to cheat, but you’re going to do what you want that can satisfy you. You always have a choice,”

Noong December 2020 pa engaged ang longtime lovers na sina Vin at Sophie, na nagkakilala nang maging contestants and big winners sila ng Artista Academy ng TV5 noong 2012. Nanganak naman si Sophie kay Baby Avianna Celeste noong Marso.

Marami ngayon ang curious sa opinyon ni Vin dahil sangkot ngayon ang kanyang Kuya Aljur sa isang cheating controversy. Diumano’y may third party sa relasyon nila ni Kylie Padilla.

To Vin and Sophie, stay strong and don’t give in to temptations, ha?