Vin Abrenica, may gagawing movie sa Star Cinema

ADVERTISING

Vin Abrenica, may gagawing movie sa Star Cinema

Vin-AbrenicaMAKAKAGAWA RAW ng pelikula si Vin Abrenica sa Star Cinema. Positibo ang dating niyan, na mula sa mahigit dalawang taon niyang pamamalagi sa TV5 ay mayroon na ulit bagong mangyayari sa kanyang career. Mabait si Vin, kaya hindi siya dapat manatiling tinatawag lang na kapatid ng dating sumikat na si Aljur Abrenica.  Oo, dating sumikat. Kasi nga, sa mga panahong ito ay ramdam na ramdam na sa showbiz ang lamlam sa career ng ex-boyfriend ni Kylie Padilla.

Mas simple nga lang ang kaguwapuhan ni Vin kumpara kay Aljur. Pero mas nakaaarte naman siya kumpara sa brother niya. Kakaiba rin naman ang dating ng kaseksihan ng katawan ni Vin kumpara kay Aljur, kaya may laban din siya na kung susuwertehen ay mas lalo pa siyang mapansin. Nakaiilang kasi ang sobrang hitsura ni Aljur, samantalang si Vin ay simple lang na parang kung mamahalin mo ay hindi mo na talaga aatrasan kung hindi ka niya pakasalan. Me gano’n?

Dahil maraming naaaliw sa simpleng ugali ni Vin, kaya dapat ay kung papaano siya sa pagiging ma-PR ngayon, ay maging iba talaga siya kumpara sa kanyang Kuya Aljur. Ang pagiging ma-PR kasi ng kanyang kuya ay parang pang-showbiz lang at sa harap ng kamera. Huwag ding malulunod si Vin sa mga papuring guwapo siya at maganda ang katawan. Nariyan lang ‘yan. Pagbutihin pa dapat niya ang kanyang acting ability para magtagal siya sa showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING