Vilma Santos, takot sa ICU

ADVERTISING

Vilma Santos, takot sa ICU

Vilma-SantosIsa sa kinatatakutan ni Batangas Governor Vilma Santos ay mailagay sa ICU dahil may sakit na walang lunas, tulad ng cancer.

Sa “Everything About Her”, isang cancer patient si Ate Vi na nilalabanan ang sobrang sakit na dinaranas para mabuhay.

Dahil cancer patient sa movie, pinakiusapan niya si Direk Joyce Bernal at ang production na huwag nang i-highlight ang ginagawa sa isang pasyante na may cancer, tulad ng isinusugod ito sa  ospital at ilalagay sa ICU.

“Ayaw na ayaw ko talaga na magkaroon ng eksenang nasa ICU. Parang mamamatay ka na kasi kapag nandoon ka,” katuwiran ni Ate Vi nang makatsikahan ng press sa presscon ng “Everything About Her”, kung saan kasama niya ang future daughter-in-law na si Angel Locsin at si Xian Lim na lalabas na anak niya sa naturang movie.

ADVERTISING

Pinagbigyan naman si Ate Vi ng production kaya karamihan ng eksena ay sumisigaw siya dahil sa sobrang sakit at wala na ‘yung dadalhin sa ospital na hahantong sa ICU.

Bone narrow cancer ang kanyang sakit sa movie na isa sa pinakamasakit na cancer na maaaring dumapo sa katawan ng isang tao.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING